Pumunta sa nilalaman

KMR · Mga screen at feature

Mga setting: pangkalahatan, wika, abiso, account at tungkol sa app

Ang limang tab ng Mga setting ng KMR at ano ang ginagawa ng bawat isa, para sa staff at manager.

Na-update Android · iPhone / iPad

Sa pahinang ito

Para saan ito

Pinagsasama ng Mga setting ang lahat tungkol sa app at account mo, hinati sa mga tab: Pangkalahatan, Wika, Abiso, Account at privacy at Tungkol sa app. Sa telepono, nasa itaas ang mga tab (mag-swipe para lumipat); sa tablet, nasa gilid.

Nasaan ito

  • Staff: Aking pahina → Mga setting.
  • Manager: Menu → Mga setting.

Laman ng bawat tab

Mga setting, tab na Account at privacy
Mga setting, tab na Account at privacy
  • Pangkalahatan: card na may pangalan, kumpanya at code; Profile at mga dokumento (staff); sa libreng account, Aking trabaho at Mga imbitasyon ng kumpanya; sa Magpalit ng mode, Gamitin bilang manager (staff) o Worker mode at Gamitin bilang staff (manager).
  • Wika: 日本語, Português, English, Tagalog, 简体中文, Tiếng Việt at Español, o Katulad ng device. Tao ang nagsalin ng unang apat; awtomatiko ang iba pang tatlo, at ang kulang ay lalabas sa English.
  • Abiso: piliin ang mga abisong matatanggap sa telepono. Sa staff, halimbawa, ang abiso ng dokumentong malapit nang mag-expire; sa manager, abiso tungkol sa plano, limitasyon, sistema at aktibidad.
  • Account at privacy (①): Palitan ang password (②, staff lang), Mag-sign out (③) at Humiling na burahin ang account (④).
  • Tungkol sa app: Bersyon, Mga bago, Wiki / Gabay at Mag-report ng problema.

Hakbang-hakbang: humiling na burahin ang account (staff)

  1. Buksan ang Account at privacy → Humiling na burahin ang account.
  2. Basahin: ang kumpanya ang namamahala sa account. Mapupunta ang hiling sa administrator, na magbubura ng datos mo maliban sa mga talang kailangang itago ayon sa batas (attendance, payslip).
  3. Magsulat ng tala kung gusto at i-tap ang Ipadala ang kahilingan. Kumpirmahin: magsa-sign out ang device.

Sa libreng account, agad ang pagbura: i-check ang Naiintindihan ko, i-tap ang Burahin ang account at kumpirmahin sa Talagang burahin?. Agad na mabubura ang personal na datos at hindi na maibabalik; ang tala ng trabahong ginawa para sa kumpanya ay mananatili sa kumpanya.

Para sa manager

  • Pinapalitan ang password ng manager sa web panel (profile).
  • Ipinapaliwanag ng Burahin ang account na pag-aari ng kumpanya ang account ng manager: humiling sa account administrator. Nakikita ng administrator ang button na Buksan ang admin accounts.

Mga karaniwang pagkakamali

  • Hindi ako nakakatanggap ng abiso: tingnan ang tab na Abiso at kung pinapayagan ng telepono ang abiso ng KMR.
  • Hindi nagbago ang wika sa lahat ng teksto: ang tekstong isinulat ng kumpanya (balita) ay nananatili sa wikang ginamit.

Mga kaugnay na tanong

  • Paano palitan ang password at wika ng app
  • Suporta sa app, Mag-report ng problema, Wiki at Mga bago
  • Mag-sign in, pumili ng kumpanya at i-reset ang password
  • Mga madalas itanong tungkol sa KMR (staff at libreng account)

Nakatulong ba ang pahinang ito?